Connect with us

Aklan News

2 RIDER NG MOTORSIKLO, SUGATAN SA AKSIDENTE

Published

on

aksidente sa motor photo

Kalibo – Dalawang rider ng motorsiklo ang sugatan sa aksidente pasado alas 10:00 kagabi sa Pook, Kalibo.

Nakilala ang mga biktimang sina Edison Nagrama, 33 anyos ng Pook, Kalibo at Christopher Nabor, sa legal na edad ng Guinbaliwan, New Washington.


Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, paliko na sana pakaliwa ang nagmomotorsiklo pauwi na si Nagrama nang mabangga umano ito ng sumusunod naman sa kanyang si Nabor.

Resulta, kapwa sumemplang sa kalsada ang minamaneho nilang motorsiklo, rason din ng tinamo nilang sugat sa katawan.

Kaagad silang dinala sa pagamutan at kasalukuyang naka-confined.

Samantala, lumalabas pa sa imbestigasyon na kapwa nasa impluwensiya ng alak ang dalawa nang mangyari ang insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *