Connect with us

Aklan News

2 MOTORISTA, SUGATAN SA AKSIDENTE

Published

on

Numancia – Sugatan ang dalawang rider ng motorsiklo sa aksidente bandang alas 2:50 kaninang hapon sa bahagi ng Poblacion, Numancia.

Kinilala ng Numancia PNP ang mga biktimang sina Carlos Sapipi, 34 anyos ng Tobias Fornier, Antique, at Lyndon Rabino, 39 anyos ng Poblacion, Numancia.


Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, galing Kalibo papuntang Makato ang nagmomotorsiklong si Sapipi nang mabangga ng nagmomotorsiklo ring si Rabino na bigla na lamang umanong tumawid sa highway.

Resulta, kapwa silang sumemplang sa kalsada, kung saan nagtamo ng head injury si Rabino, habang mapalad namang hindi malubha ang tinamong sugat sa katawan ni Sapipi.

Kaagad silang ginamot ng mga rumespondeng taga MDRRMO, subalit minarapat na i-confine sa ospital si Rabino.

Nabatid na nasa impluwensiya ng alak ang huli nang mangyari ang insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *