Connect with us

Aklan News

2 MOTORISTA, SUGATAN SA AKSIDENTE

Published

on

Parehong sugatan ang dalawang rider ng motorsiklo matapos maaksidente kaninang alas 6:15 ng umaga sa highway ng Linabuan Norte, Kalibo.

Nakilala ang mga biktima na sina Jeffrey Luces Refre, 34 anyos ng Sitio Pajo, Puis, New Washington at Emmanuel Billiones Iman, 24 anyos ng Polocate, Banga.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, nagmomotorsiklo patawid ng kalsada galing sa Romero Road papuntang Linabuan Elementary School si Refre, subalit aksidente umanong mabangga ng nagmomotorsiklo ring si Iman na galing Banga papuntang Poblacion, Kalibo.

Resulta, kapwa silang sumemplang sa kalsada at nagtamo ng sugat at pinsala sa katawan na kaagad binigyang lunas ng mga taga MDRRMO.

Samantala, nagkaharap ngayon ding umaga sa estasyon ng pulis ang dalawa at nagkasundong hindi na magsasampa ng reklamo sa bawat isa.