Connect with us

Aklan News

2 MOTOR NAGSALPUKAN, 3 SUGATAN

Published

on

Kalibo – Tatlo ang sugatan sa 2 motorsiklong nagsalpukan mag-aalas 9:00 kagabi sa Caano, Kalibo.

Nakilala ang mga biktimang sina Alvin Reyes, 27 anyos ng nasabing lugar, Leo Silvestre, 30 anyos at ang 8 anyos na batang lalaki na angkas nito.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, nagmomotorsiklo pauwi si Reyes nang lumiko ito pakaliwa sa Caano at nakabanggaan ang kasalubong na sina Silvestre.

Resulta, sumemplang sa kalsada ang kani-kanilang mga minamanehong motorsiklo rason din ng tinamo nilang sugat sa katawan.

Kaagad silang dinala sa ospital kung saan naging out patient ang mga driver, subalit minarapat i-confine sa ospital ang bata para matiyak ang kanyang kondisyon.