Connect with us

Aklan News

2 MOTOR NAAKSIDENTE, 4 SUGATAN

Published

on

Numancia-Apat ang sugatan sa dalawang motorsiklong naaksidente pasado alas 11:00 kaninang umaga sa highway ng Dungon West, Numancia.

Nakilala ang mga biktimang sina Larry Mansayon, 55 anyos, driver ng motorsiklo at angkas nitong si Efren Silvestre, 61 anyos, pawang residente ng nasabing lugar, at ang driver naman ng nakabangga umano sa kanilang motorsiklo na si Raffy Dapitan, 23 anyos ng Milibili, Roxas City, at angkas nitong si Judy Ann Dolfo, 23 anyos ng Panit-an, Capiz.


Base sa imbistigasyon ng Numancia PNP, galing sa Makato papuntang Numancia sina Mansayon nang lumiko umano ang mga ito pakaliwa, subali’t aksidenteng nabangga ng sumusunod sa kanilang sina Dapitan.

Resulta, sumemplang sa kalsada ang kanilang mga motorsiklo na nagdulot naman ng pinsala sa kanilang katawan.

Kaagad silang dinala sa ospital, subali’t nakalabas naman kinalaunan ang tatlo maliban kay Mansayon na minarapat ipa confine doon dahil sa pinsala sa paa.

Ayon naman sa Numancia PNP, may inisyal nang pag-uusap ang magkabilang panig kaugnay sa nangyaring insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *