Connect with us

Aklan News

2 magkapatid na suspek sa pagsaksak-patay sa Balete, hawak na ng pulisya

Published

on

By

Hawak na ng mga otoridad ang magkapatid na suspek na itinuturong sumaksak-patay kay Antonio Bernabe Jr. sa Brgy. Cortes, Balete.

Unang naaresto kahapon sa Brgy. Polocate, Banga si Edgar Marcelino, 18 anyos na residente ng Cortes, Balete.

Kasunod nito, kinumpirma rin ng Balete PNP na kusang isinuko ng kanilang ama ang kanyang 17 anyos na kapatid.

Sinasabing silang dalawa lang ang sangkot sa krimen at hindi na kasama ang dalawa pa nilang nakababatang kapatid na naroon din nang mangyari ang insidente.

Unang sasampahan ng kaukulang kaso ang 18 anyos na si Edgar, samantala, mahuhulog naman sa regular filling ang kaso laban sa nakababata nitong kapatid.