Connect with us

Aklan News

2 LALAKING NAHULI SA CURFEW, ARESTADO DAHIL SA PAGLABAG SA BP6

Published

on

Malinao – Dalawang lalaking lumabag sa curfew ang arestado bandang alas 11:40 kagabi sa Sitio Guang, Manhanip, Malinao, dahil umano sa paglabag nila sa BP 6 o Illegal Possession of Bladed Weapon.

Nakilala ang mga suspek na sina Mark Lawrence Narciso, sa legal na edad, ng Cabayugan, Malinao, at Reynaldo Implica, 38 anyos ng Cogon, Malinao.

Base sa report ng Malinao PNP, naunang naaresto si Narciso, na nakaangkas sa isang motorsiklo nang makita umano ng mga pumara sa kanilang pulis ang patalim sa kanyang baywang.

Halos 10 minuto lamang umano ang nakalipas nang maparahan din ng mga nagrorondang pulis si Implica dahil sa nakitaan din umano ito ng patalim sa kanyang baywang.

Kaagad silang ikinustodiya sa Malinao PNP habang inihahanda ang kasong paglabag sa BP 6 o ilegal nilang pagdadala ng patalim, maliban sa pagtiket sa kanila kasama ang driver ng motorsiklong sinakyan ni Narciso, dahil naman sa paglabag nila sa curfew.