Connect with us

Aklan News

2 BAHAY, NASUNOG

Published

on

Kalibo- Dalawang bahay ang nasunog sa Brgy.New Buswang Kalibo ngayong tanghali.

Base sa inisyal na impormasyon nagsimula ang apoy sa bahay ng pamilya dela Cruz at nadamay ang katabi nitong bahay ng pamilya Icawalo.


Mabilis na nagtulong-tulungan ang mga nakatira at mga residente doon para maapula ang apoy ngunit mabilis din itong kumalat sa katabing bahay.

Mabilis namang nakaresponde ang BFP Kalibo at BFP Numancia at agad namang naapula ang apoy.

Sinasabing totally burn ang bahay ng pamilya dela Cruz kung saan nagsimula ang apoy at kalahati naman ng bahay ng pamilya Icawalo ang nasunog.

Sa ngayon hindi pa malaman ang sanhi ng sunog at patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP Kalibo kung ano ang pinagmulan ng apoy.

[Developing Story]

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *