Connect with us

Aklan News

2 ARESTADO SA ILEGAL NA SABONG

Published

on

Nabas – Dalawa ang arestado sa ilegal na sabong alas 4:45 kahapon ng hapon sa Sitio Potol, Laserna, Nabas.

Sa joint operation ng Provincial Special Task Force on Anti-Illegal Gambling at Nabas PNP, naaresto ang mga suspek na sina Raymond Brillantes, 26 anyos ng Toledo, Nabas, at Raymond Arboleda, 32 anyos ng naunang nabanggit na lugar.


Base sa report ng Nabas PNP, kaagad ikinasa ang operasyon matapos nilang matanggap ang impormasyon hinggil sa pagsasabong umano ng mga suspek at iba pang kasamahan sa lugar.

Bagama’t nakatakas ang iba pa, naaresto naman ang dalawa at narekober ang kabuuang P255.00 na perang ipinantaya umano ng mga sumasabong doon, pati na ang 1 buhay at 1 patay na manok-panabong at 1 tari.

Pansamantala silang ikinustodiya sa Nabas PNP Station at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa PD 449 o Anti-Illegal Cockfighting.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *