Connect with us

Aklan News

17-ANYOS NA BINATANG WANTED SA KASONG PAGNANAKAW NG MOTORSIKLO, ARESTADO

Published

on

Photo Courtesy| PilipinoMirror

Arestado sa San Ramon, Malinao kahapon ang 17 anyos na akusado, residente ng Agcawilan, Lezo na wanted sa kasong pagnanakaw ng motorsiklo.

Inaresto siya ng Makato PNP sa bisa ng warrant of arrest (Criminal Case No.15943) na ibinaba ni Hon.Montalid P. Patnubay Jr., Presiding Judge, 6th Judicial Region, Branch 9, Kalibo nito lamang nakaraang Miyerkules, October 20, 2021.

Kasalukuyang naka kostodiya sa Makato PNP Station ang akusado, subali’t makakalaya pansamantala kapag nakapagpiyansa ng P300,000.00.

Samantala, ayon pa sa Makato PNP, isa ang nasabing akusado sa 4 na mga suspek na nagnakaw sa isang motorsiklo nitong nakaraang Mayo 21, 2021 sa Tina, Makato, subali’t nahuli naman ng mga nagmo-motorcycle patrol ng Kalibo PNP na lumabag sa social distancing.

Sinasabing tumakas noon ang mismong drayber ng motorsiklo, habang silng tatlo ang natiketan noon.
Nagkataon ding ipinagbigay alam ng Makato PNP sa mga karatig police station ang tungkol sa ninakaw na motorsiklo na postibong kinilala ng may-ari dahil inimpund ng Kalibo PNP.

Sinasabing binigyan sila noon ng pagkakataon na sagutin ang kanilang summon, subali’t binalewala umano nila ito, rason ng kanilang warrant of arrest.

Nabatid na naaresto na ang 2 sa kanila habang pinaghahanap pa ang kanilang mga kasama.
Paglabag sa Anti-Carnapping Act of 1972 ang kaso na kanilang kakaharapin.

Advertisement