Connect with us

Aklan News

16-anyos na binata sinaksak, kritikal matapos umawat sa away

Published

on

Malubha ngayon ang lagay ng isang 16-anyos na lalaki matapos saksakin dahil sa pag-awat niya sa isang away sa Brgy. Poblacion Tabuc, Mambusao, Capiz.

Napag-alaman na nadatnan ng menor de edad ang dalawang lalaki na nag-aawat nang sinubukan niyang awatin ang mga ito pero siya ay nasaksak.


Kinilala ang mga lalaki na sina Noel Fanilag 31-anyos ng Pangpang Sur, Mambusao, at Richard Gallardo ng Brgy. Manibad, Mambusao.

Agad isinugod sa ospital ang biktima para sa kaukulang paggamot.

Samantala, inaresto naman ng kapulisan ang dalawa at pansamantalang nakakulong ngayon sa Mambusao PNP Station.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *