Connect with us

Aklan News

150 COVID-19 positive sa Aklan, naitala ngayong araw; Kalibo, nangunguna pa rin sa may pinakamaraming kaso

Published

on

Larawan mula sa FB page ng Aklan Provincial Epidemiology and Surveillance Unit

Mula sa 314 na isinailalim sa swab testing kahapon, 150 ang nag-positibo sa COVID-19 habang 164 naman ang nag-negatibo, batay sa inilabas na ulat ng Aklan Provincial Epidemiology and Surveillance Unit ngayong Hulyo 21, 2021.

Hindi naman natitinag ang bayan ng Kalibo na patuloy na nangunguna sa may pinakamaraming kumpirmadong kaso.

Sinusundan ito ng Ibajay na may 32 nag-positibo, at ng New Washington na may 14.

Ang tala sa baba ay ang mga kumpirmadong kaso sa bawat bayan:

Altavas: 8
Balete: 1
Buruanga: 1
Ibajay: 32
Kalibo: 68
Makato: 2
Malay: 12
Malinao: 1
Nabas: 1
New Washington: 14
Numancia: 10

Pinag-iingat pa rin ang lahat at hinihikayat na patuloy na sumunod sa health protocols kontra COVID-19.

 

Advertisement

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *