Connect with us

Aklan News

13 KALALAKIHAN, KALABOSO SA ILEGAL NA SABONG

Published

on

Kalibo – Kalaboso ang inabot ng 13 kalalakihan matapos mahuli dahil sa ilegal na sabong sa Caano, Kalibo.

Sa joint operation ng Kalibo PNP, Aklan Provincial Intelligence Unit, at Provincial Operation Team on Illegal Gambling mag-aalas 11:00 kaninang umaga, naaresto ang mga sumusunod na kalalakihan na naaktuhan umanong sangkot sa nasabing ilegal na sabong:


1.Rajah Nolinie, 31 anyos ng Caano, Kalibo;
2.Rolly Dela Rosa, 59 anyos ng Caano;
3.Reynaldo Estenor, 37 anyos ng Pook, Kalibo; 4.Juvel Galopo, 28 anyos ng Caano;
5.James Vincent Gonzales, 20 anyos ng Caano;
6.Mark Judie Galopo, 29 anyos ng Caano;
7.Deo Cipriano, 30 anyos ng Caano;
8.Andrew Daroy, 39 anyos ng Caano;
9.Rolando Regalado, 48 anyos ng Pook, Kalibo; 10.Ace John Andrade, 18 anyos ng Caano;
11.Jover Berte, 28 anyos ng Mabilo, Kalibo;
12.Ramen Malbas, 31 anyos ng Caano; at 13.Joseph Lura, 36 anyos ng Pook, Kalibo.

Narekober din ang 9 na manok panabong (3 ang patay, 6 ang buhay), P2,450.00 na pera, at ilang tari.

Pansamantala silang ikinustodiya sa Kalibo PNP station habang inihahanda ang kasong paglabag sa PD 449 o Cockfigthing Law of 1974 na isasampa laban sa kanila.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *