Connect with us

Aklan News

12, patay sa COVID—19, 168 bagong kaso, naitala sa Aklan

Published

on

Larawan mula sa FB page ng Aklan Provincial Epidemiology and Surveillance Unit

Sa pinagsamang datos mula Hulyo 26 at Hulyo 27, 2021, 12 ang naitalang nasawi dahil sa COVID-19 habang 168 naman ang mga bagong kumpirmadong kaso, base sa inilabas na health bulletin ngayong gabi ng Aklan Provincial Epidemiology and Surveillance Unit.

Pinakamarami ang naitalang nag-positibo mula sa bayan ng Malay na umabot ng 45, kasunod ang Numancia na may 37, habang 26 naman ang naitala sa bayan ng Malinao.

Narito naman ang bilang ng mga nag-positibo sa COVID-19 sa bawat bayan:

Altavas: 1
Banga: 5
Batan: 5
Buruanga: 2
Ibajay: 3
Kalibo: 19
Libacao: 5
Lezo: 4
Madalag: 2
Makato: 6
Malay: 45
Malinao: 26
Nabas: 2
New Washington: 4
Numancia: 37
Tangalan: 2

Umabot na sa 7,487 ang kabuuang bilang ng mga naging kumpirmadong kaso sa buong lalawigan habang 5,663 naman ang mga gumaling na.

Pinag-iingat pa rin ang lahat at hinihikayat na patuloy na sumunod sa health protocols kontra COVID-19.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *