Connect with us

Aklan News

10 WHEELER TRUCK, SUMAGI SA MGA KABLE SA POSTE

Published

on

Photos courtesy of Malay PNP

Malay — Nagdulot ng saglit na pagbuhol ng trapiko ang aksidenteng pagsagi ng isang 10 wheeler truck sa mga kable sa poste sa highway ng Barangay Argao, Malay.

Ayon sa Malay PNP, galing Caticlan papuntang Buruanga ang truck na minamaneho ni Michael Mondia, 43 anyos ng Lambuyao, Oton, Iloilo nang mahagip ng kanang kanto ng truck ang mga nakasabit na kable ng PANTELCO at AKELCO.


Resulta, lumaylay sa kalsada ang mga naputol na kable, habang tumumba at tumama sa bubong at signage ng isang pawnshop doon ang isang poste ng AKELCO, habang isang poste rin ng telepono ang tumagilid.

Kaagad namang rumesponde ang pulis upang kontrolin ang daloy ng trapiko, habang inaayos ng mga nasabing utility provider ang mga kableng naputol.

Kaugnay pa nito, hinarap naman ng driver sa barangay ng Argao ang kanyang obligasyon sa idinulot na pinsala ng insidente. Wala namang napaulat na nasugatan sa nangyari.