Connect with us

Aklan News

1 PATAY, 3 SUGATAN SA SALPUKAN NG MOTORSIKLO AT TRAYSIKEL

Published

on

Banga – 1 ang patay habang 3 pa ang sugatan sa salpukan ng motorsiklo at traysikel alas 6:40 kagabi sa Bacan, Banga.

Nakilala ang biktimang binawian ng buhay na si Rommel Navarra, 33 anyos na siyang driver ng motorsiklo at angkas nitong si Jeny Icay, 26 anyos, kapwa residente ng Poblacion, Banga.

Nakilala naman ang driver ng nakabanggaan nilang traysikel na si Sander Cuadoro, 38 anyos, at ang pasahero nitong si Dave Rebaldo, 21 anyos, kapwa residente naman ng Sigcay, Banga.

Base sa imbestigasyon ng pulis, papunta sa direksyon ng Poblacion, Banga sina Navarra, nang aksidente umano silang mabangga ng traysikel nina Cuadoro at Rebaldo.

Base pa sa imbestigasyon, pumunta sa linya ng motorsiklo ang traysikel dahil sa ginagawa ang kabilang linya, at hindi na umano ito bumalik kahit nakalagpas na ito sa ginagawang bahagi ng kalsada, rason ng kanilang banggaan.

Resulta, sumemplang ang motorsiklo rason ng tinamong pinsala sa katawan ng mga biktima na kaagad namang dinala sa ospital.

Samantala, nabatid na alas 11:45 kagabi nang ipagbigay-alam ng pamilya ni Navarra sa Banga PNP na binawian ito ng buhay habang ginagamot.

Kaugnay pa nito, nakumpirma din sa imbestigasyon na nasa impluwensiya ng alak ang mga magkabilang-panig nang mangyari ang insidente.