Connect with us

Aklan News

1 PANG DAGDAG NA KASO NG BETA VARIANT, NAITALA SA AKLAN

Published

on

By

Nadagdagan pa ng isa ang mga naitalang kaso ng BETA variant sa Aklan batay sa pahayag ng Department of Health Western Visayas (DOH VI) kahapon (August 3).

Nasa 23 bagong kaso ng BETA variant ang naitala sa Western Visayas, 16 ang mula sa Iloilo Province, tig dalawa sa Iloilo City at Capiz at tig isa sa Aklan at Negros Occidental.


Ang bagong kaso ng Beta variant na ito ay pang-apat na sa Aklan.

Noong July 23, kinumpirma ng Aklan Provincial Health Office na may 3 kaso na ng Beta variant sa Aklan.

Mula ang mga ito sa mga bayan ng New Washington, Buruanga at Nabas.

Pawang nakarekober o magaling na sa sakit ang mga pasyente.