Connect with us

Aklan News

1 DAY-OFF SA KALIBO, DAGDAG PASAKIT SA MGA NEGOSYANTE AT EKONOMIYA – MAYOR LACHICA

Published

on

By

File Photo

Dagdag na pasakit umano sa mga negosyante at sa lokal na ekonomiya ang rekomendasyon ng Committee on Health ng opisina ng Sangguniang Bayan na 1 Day-Off sa buong bayan ng Kalibo.

Batay ito sa inilabas na opisyal na pahayag ni Kalibo Mayor Emerson Lachica ngayong Biyernes, Agosto 13, 2021.


Todo Media Magazine

Malaki na aniya ang naging epekto ng implementasyon ng business hours na hanggang alas-4:00 ng hapon at ang pagpapatupad ng 1 day-off ay magdadagdag lang sa hirap ng mga negosyante.

“Mabahoe eon nga impact sa atong mga negosyante ro pagpaimplimentar it business hours nga hasta eang it alas quatro (4) it hapon. Ro 1 day-off or pagpasara it 1 day paguid hay dugang nga pakasakit sa atong mga negosyante ag atong lokal nga ekonomiya,” pahayag ni Lachica sa kanyang Official Facebook Page.