Connect with us

Advisory

MULTA NG BORACAY WORKERS, DAPAT IHINTO

Published

on

NANANAWAGAN tayo sa LGU Malay na itigil ang pagpapabayad ng multang P2,500 sa mga workers o empleyado na nag expire na ang health card at nagtutungo sa Health Center para mag renew.

Ang nakalagay sa Sanitation Code ay pagbabayarin ang Operator ng establishment ng P2,500 kapag natuklasang may empleyado ito na Walang Health Certificate (Card).


Wala pong nakasaad sa Code na ang Empleyado ang magbabayad ng napakalaking multa na P2, 500 na mas mahal pa sa binabayaran nila sa pagkuha ng Health Card na nagkakahalaga lang ng P275.

Sabihin na po natin na kasalanan ng mga empleyado na ito na hindi agad sila nakapag renew matapos ang 1 year validity ng kanilang health Card, sagutin po nila yan sa kanilang employer.

Myembro ako ng Sangguniang Bayan ng Malay nang ipinasa ang Sanitation Code noong 2012.

Ang objective nito at para mapasiguro na ang mga establishment sa Boracay ay sumunod sa mga lokal na batas para pangalagaan ang sanidad at kalinisan ng establishment para sa kapakanan ng mga turista at isla sa kabuuan.

Ibig sabihin, batas ito between LGU and business establishment operators.

Naalala ko na nagdesisyon kami na ipataw kaagad ang maximum penalty sa Operator ng establishment dahil napakaliit na halaga ang P2,500 para sa kanila.

Hindi po napag usapan at hindi rin nakasulat sa Code na pagbabayarin ang empleyado ng multang P2,500 kung expired ang health card nya.

Section 27, Chapter V of the Code states that, “No person shall be employed without Health Certificate”.

Hindi po sinabing magbayad sya ng multa sa LGU.

“Inclusio unius est exclusio alterius” (If it’s not included, then exclude it)

We are governed by law na may paggalang sa karapatang pantao.

Please revisit the Code and correct me if I’m wrong…

SALAMAT PO! 👊👊👊

Program/Beat: Anchorman of Todo Latigo program, 5am to 7:30am, Mon to Sat. Years/background in Media works: 22 years member of the Aklan Media.Why chose this profession: It's a calling. It's my passion.Principle in life: Your success is directly proportional to the number of lives you have touched for the better.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *