Connect with us

Advisory

#TODOPublicServiceAnnouncement | Career Service Examination, inaaral pa ng CSC kung kelan isasagawa at kung paano

Published

on

CSE

Inanunsyo ng Civil Service Commission (CSC) na patuloy pa rin nilang pinag-aaralan kung paano makakapagsagawa ng Career Service Examination (CSE) ngayong taong 2021 at sa mga susunod pang taon.

Mahirap umanong makapagsagawa ng nasabing pagsusulit sapagkat ipinatutupad pa rin ang mga public health measures tulad ng pagbabawal ng mass gatherings

“The CSC is carefully studying all possibilities regarding the conduct of examinations for 2021 and beyond, with utmost consideration for the public’s health and safety,” ayon sa pahayag ng CSC.

Agad umanong maglalabas ng anunsyo ang kagawaran tungkol sa pagsasagawa ng CSE–Professional and Subprofessional levels sa taong ito sa oras na mapinalisa na ang mga modes of the conduct of examination at ang magiging iskedyul ng pagsusulit.

Samantala,  sa mga nais na makakuha ng civil service eligibility sa bisa ng special eligibility, narito ang mga “special laws and relevant CSC issuances” na maaari nilang magamit:

– Bar/Board Eligibility (R.A. 1080)

– Barangay Health Worker Eligibility (R.A. 7883)

– Barangay Nutrition Scholar Eligibility (P.D. 1569)

– Barangay Official Eligibility (R.A. 7160)

– Electronic Data Processing Specialist Eligibility (CSC Res. 90-083)

– Foreign School Honor Graduate Eligibility (CSC Res. 1302714)

– Honor Graduate Eligibility (P.D. 907)

– Sanggunian Member Eligibility (R.A. 10156)

– Scientific and Technological Specialist Eligibility (P.D. 997)

– Skills Eligibility – Category II (CSC M.C. 11, s. 1996, as Amended)

– Veteran Preference Rating (E.O. 132/790)

 

Ang mga aplikante na kwalipikado sa mga nabanggit na eligibility ay maaaring pumunta sa mga Regional Offices ng CSC.  Maaari rin kayong magtext (0908-8816565) o mag-email ([email protected]) sa Contact Center ng Bayan.  Para naman sa mga karagdagang kaalaman tungkol sa special eligibilities bumisita lamang sa kanilang website http://bit.ly/3jrZTvv

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *