Advisory
DOLE, pinaalalahanan ang mga employers na bayaran ng tama ang mga empleyado ngayong holiday

Published
4 weeks agoon

Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer sa pribadong sector na sumunod sa mga itinakdang holiday pay rules para sa dalawang araw na walang pasok ngayong Pebrero.
Nagpalabas ang ahensya ng isang advisory na nagdedeklara sa that Pebrero 12 (Chinese New Year) at Pebrero 25 (EDSA People Power Revolution Anniversary) bilang mga special non-working holidays.
Ayon sa pahayag si Labor Secretary Silvestre Bello, ang mga empleyado na magtatrabaho sa mga nabanggit na holiday ay kailangang bayaran ng dagdag na 30 porsyento ng kanilang basic pay para sa unang walong oras ng pagtatrabaho.
Kung lalampas sa walong oras ang pag-duty ng empleyado, sinabi ni Bello na dapat pa umano siyang bayaran ng dagdag na 30 porsyento sa kanilang hourly rate.
Kapag tumapat sa day off ng empleyado ang special day ngunit pinagtrabaho siya, kailangang magbayad ang employer ng dagdag na 50 porsyento ng basic pay ng empleyado sa unang walong oras, at dagdag na 30 porsyento ng hourly rate kung siya ay mag-u-overtime.
Maaari naman umanong ipatupad ang “no work, no pay principle” kung hindi papasok ang empleyado, maliban na lang kung ang may mga polisiya ang kompanya o may kasunduan sa pagitan ng kompanya at mga empleyado na magpapasweldo ang employer sa holiday.
Nagpalabas si Pangulong Rodrigo Duterte ng Proclamation 986 noong Hulyo 30, 2020 na nagtatakda sa Pebrero 12 at 15 bilang mga special non-working holidays
You may like
-
ILANG MANGGAGAWA, POSIBLENG HINDI MAKAKATANGGAP NG 13TH MONTH PAY
-
DOLE: Displaced workers, makakatanggap ng one-time cash aid sa 2021 budget
-
MAHIGIT 180,000 NAWALAN NG TRABAHO SA PILIPINAS – DOLE
-
P1 milyong pang-negosyo, puwedeng utangin ng OFWs — OWWA
-
DOLE: Face shields sa mga empleyado mandatory na sa Agosto 15
-
DOLE, IMINUNGKAHI ANG PAGSUOT NG FACE SHIELDS SA LOOB NANG TRABAHO