Connect with us

Advisory

WALK-IN APPOINTMENTS SA CIVIL SERVICE COMMISSION REG’L OFFICE VI, HINDI NA PWEDE SIMULA JULY 15

Published

on

CSC logo
Photo from www.facebook.com/cscregion6/

Pinaaalalahanan ng Civil Service Commission (CSC) Region VI ang mga may transaksyon sa kanilang tanggapan na magpa-iskedyul muna ng appointent sa kanilang web-based na CSCRO6 Online Appointment System bago pumunta sa kanilang tanggapan sa Mandurriao, Iloilo City sapagkat simula Hulyo 15, 2020 ay maigting na nilang ipapatupad ang “strictly by appointment”na pagproseso ng mga face-to-face na transaksyon.

Sa isang pahayag na inilabas ni CSCRO6 Director IV Nelson G. Sarmiento, sinabi niya na ang mga hakbang na ito ay ipatutupad upang masiguro na mayroon pa ring physical distancing sa mga opisina at maiwasan ang exposure ng kapwa empleyado at publiko sa COVID-19.

Ang online applications para sa mga sumusunod na Examination Services ay maaaring ipa-iskedyul sa CSCRO6 Appointments System:

1. Certificate of Civil Service Eligibility (for no or lost Certificate of Eligibility)
2. Authenticated Copy of Certificate of Eligibility
3. Grant of Eligibility under Special Laws

Pumunta laman sa link na ito: http://bit.ly/cscro6onlineappointmentsystem upang maibook ang iyong appointment.

Ayon pa sa pahayag, ang mga opisyal at empleyado ng CSC RO VI ay naka Work from Home and Skeletal Workforce Scheme simula pa noong Mayo 18, 2020 at mananatili ito hangga’t wala pang dagdag na abiso.

Samantala, para sa mga simpleng katanungan kaugnay ng civil service maaari umanong makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan sa pamamagitan ng tawag o text messaging. Maaari rin kayong bumisita sa kanilang Facebook page.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *